Konstruksiyon  para sa hospital ng mga OFW, inumpisahan na

Konstruksiyon para sa hospital ng mga OFW, inumpisahan na

ISINAGAWA na ngayong araw ang kick-off ceremony ng kauna-unahang hospital project para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na isinagawa sa San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan ang nasabing seremonya ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasama ni OWWA Administrator Atty.  Hans Leo Cacdac at ilang opisyal ng Department of Health, mga sponsor ng naturang proyekto gaya ng PAGCOR at iba pang pribadong sektor.

Naging panauhing pandangal din si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa naturang kaganapan.

Umabot sa kalahating bilyong piso ang inilaan ng Bloomberry para sa gusali ng hospital ng mga OFW.

Nag -donate din ang PAGCOR na pinangunahan ni Chairman Andrea Domingo ng P300 milyon para sa pasilidad ng ospital.

Nag-donate din ng dalawang ektarya ng lupa para sa pagtatag ng ospital ang Pampanga Provincial Government na nagkakahalaga ng P500-milyon.

Sinabi ni Sec. Harry Roque, ang proyektong ito ay bilang pagkilala ni President Rodrigo Duterte sa kahalagahan ng mga OFW.

Aniya, ang lahat ng luho sa lipunan ay hindi magkakaroon ng katuparan kung hindi sa sakripisyo ng mga OFW.

Tiniyak din ni Roque na patuloy pa rin ang paggawa ng proyekto ng  Administrasyong Duterte para kilalanin ng OFW ay tanging mga bagong bayani ng bansa.

Ayon kay Sec. Bello, inaasahang aabot ng isang taon ang construction para sa ospital ng mga OFW.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *