Senior Associate Justice Antonio Carpio
National

Komento ni Sr. Assoc Justice Antonio Carpio sa WPS issue, labag umano sa judicial ethics

PINAGBIBITIW sa pwesto si Senior Associate Justice Antonio Carpio bilang isa sa mga mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ang personal na panawagan ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

Naniniwala kasi si Roque na hindi trabaho ng isang mahistrado na pakialaman ang usaping politikal ng bansa partikular na sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Matatawag na isang paglabag sa Canon Judicial Ethics ang ginawa ni Justice Carpio bilang isang non-partisan na opisyal ng bansa.

Ayon kay Roque, posibleng mauwi sa hindi tamang panawagan, o polisiya o plataporma ang ginagawang adbokasiya ng mahistrado sa iba’t-ibang mga forum na ginagawa nito sa ibat-ibang bahagi ng bansa na dapat ang pangulo lang at mga politiko ang nagdidesisyon sa nasabing usapin.

Sa ilalim ng Canons of Judicial Ethics, ay kailangang manatiling independent ang isang mahistrado sa mga usaping politikal.

Dagdag pa ni Roque, lumalabas ang bias comments ni Carpio na maaaring makaapekto sa paninindigan ni Pangulong Duterte sa ilalim ng ginagawang bilateral negotiations sa pagitan ng Pilipinas at China.

Giit pa ni Roque, isa ang bilateral negotiations sa mga alternatibong paraan na maaaring maging tulay sa pag-aayos ng hidwaan, sa kabilang kailangang ipakita pa rin ng bansa ang karapatan ng pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

Matatandaang umiikot sa ibat ibang unibersidad sa bansa at maging sa ibang bansa si Justice Carpio para sa information campaign nito kaugnay sa karapatan ng Pilipinas sa nine dash line na Exclusive Economic Zone ng bansa sa West Philippine Sea kung saan iginigiit nito ang pagkapanalo ng Pilipinas mula sa arbitral ruling.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *