Kobe Bryant, paparangalan ng Basketball Hall of Fame; Michael Jordan ang napiling maghandog sa yumaong NBA Star

Kobe Bryant, paparangalan ng Basketball Hall of Fame; Michael Jordan ang napiling maghandog sa yumaong NBA Star

NAKATAKDANG gawaran ng Basketball Hall of Fame ang yumaong NBA star na si Kobe Bryant sa darating na Mayo 15 sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Kasama ng yumaong Los Angeles Lakers Star sa Hall of Fame Class of 2020 sina Tim Duncan, Kevin Garnett, at iba pa.

Napili naman si NBA legend Michael Jordan na maghahandog ng Basketball Hall of Fame Award sa yumaong si Kobe Byant.

Ito’y matapos papiliin ang mga awardee kung sino ang magbibigay sa kanila ng award.

At dahil idolo ni Kobe si Jordan na itinuring din nito noon na ‘Big Brother’, ito na ang napili ng mga organizer.

Matatandaan na nasawi si Kobe kasama ang anak nitong si Gianna matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter noong Enero ng nakaraang taon sa Calabasas, California.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *