Klinika sa Hong Kong, nakapagbigay ng expired na bakunang Biontech sa 36 katao

Klinika sa Hong Kong, nakapagbigay ng expired na bakunang Biontech sa 36 katao

NAKAPAGBIGAY ng expired na bakunang Biontech sa 36 katao ang Klinika sa Hong Kong.

Dalawang residente sa Hong Kong ang nakaranas ng pananakit sa tiyan matapos makatanggap ng expired na bakunang Biontech.

Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, nasa 36 nakatao ang nakatanggap ng expired na bakuna na Biontech sa isang klinika sa Hong Kong.

Nakatanggap ng ulat ang kagawaran ng kalusugan ng Hong Kong, na ang isang sangay ng new town integrated medical centre sa Kingswood Richly Plaza sa Tin Shui Wai, ay nakapagbigay ng mga expired na bakuna ng Biontech.

Napag alaman na ang bakunang biontech ay mawawalan na ng bisa, dalawang araw sa nakatakdang expiration date nito.

Dalawa sa mga nakatanggap ng expired na Bointech shots ay nakaranas ng pananakit sa tiyan at intestinal discomforts.

Agad namang dinala sa emergency room ng pampublikong hospital ang dalawang residente at sa kasalukuyan ay nasa maayos na kondisyon ang isa at ang isa naman ay nakapag-rekober na.

Agarang namang nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Health sa nasabing medical center at nakitaang maayos naman ang storage room at nasa pamantayan naman ang temperatura ng mga bakuna.

Samantala, pwede nang magpa-book ang publiko simula Biyernes, Enero 14 para sa ipamimigay na Biontech vaccines sa Kowloon Bay Sports Centre at Education Bureau Kowloon Tong Education Services Center sa Enero 21.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *