KJC legal counsel, naglabas ng official statement ukol sa mga kasong isinampa ni Pacquiao laban kay Pastor Apollo

KJC legal counsel, naglabas ng official statement ukol sa mga kasong isinampa ni Pacquiao laban kay Pastor Apollo

KAHAPON naglabas ng pahayag ang legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) matapos magsampa ng mga kaso ni Senator Manny Pacquiao sa Makati Prosecutors Office laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon sa legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ, hindi pa natatanggap ni Pastor Apollo ang kopya ng libel at cyber libel complaint na sinampa ni Manny Pacquiao sa Makati Prosecutors Office nitong Setyembre 14.

Matatandaan na sinabi ni Pastor Apollo na inihahayag lamang niya ang mga katanungan ng taong bayan na ni minsan ay hindi masagot-sagot ng senador.

Gaya ng nabanggit, hindi isinasantabi ng KJC legal counsel na ang hakbang ng senator ay maaaring politically motivated lalo pa at nalalapit na ang election.

Ukol naman sa P100-M libel at cyber libel case na ipinasa laban kay Pastor Apollo ito naman ang inihayag ng mga abogado.

Nagpaalala rin ang mga ito na hindi umano dapat sensitibo o balat sibuyas ang mga opisyal ng pamahalaan.

Hindi pa nagpahayag ng saktong impormasyon ang legal counsel sapagkat patuloy pa nilang pinag-aaralan ang mga nararapat na hakbang pero sa kabila nito panatag sila na makakamit ang katarungan at maihahayag ang katotohanan.

Ayon pa sa legal counsel ni Pastor Apollo matapos nilang matanggap ang kopya ng complaint ay agad silang magsasampa ng counter affidavit laban sa kampo ng boksingero.

BASAHIN: Pastor Apollo, handang harapin ang libel case na isinampa ni Pacquiao

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *