Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz kabilang sa top 100 candidates para sa MUP 2021

Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz kabilang sa top 100 candidates para sa MUP 2021

KABILANG sa listahan na inilabas ng Miss Universe Philippines Organization para sa top 100 candidates sa Miss Universe Philippines 2021 ang former Pinoy Big Brother: lucky 7 housemate na si Kisses Delavin at ang Asia’s Next Top Model Cycle 5 Grand Winner na si Maureen Wroblewitz.

Una ng trending ang pangalan ni Kisses sa social media matapos ilabas ng Aces & Queens ang teaser ng aspiring beauty queens na nag-train sa kanila para sa Miss Universe Philippines Pageant.

Nabatid na ilang pageant titles na ang napanalunan Kisses sa kanyang hometown sa Masbate kabilang dito ang Miss Masbate at Miss Kaogma noong 2016, at Miss Teen Masbate noong 2013.

Samantala hindi maikakailang front-runner din si Maureen lalo’t mayroon siyang malaking social media followers habang ang kanyang Instagram account ay mayroon nang 1.2 million followers.

Mababawasan pa ang delagates at tanging top 30 lang ang makakasali sa coronation night.
Nakatakdang gaganapin ang MUP 2021 sa darating na Setyembre 25 ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *