Kinokonsidera ng MMC ang pagtaas ng quarantine restrictions sa NCR Plus

Kinokonsidera ng MMC ang pagtaas ng quarantine restrictions sa NCR Plus

INIHAYAG ng Metro Manila Council (MMC) na kinokonsidera nila ang pagtaas ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR) Plus dahil sa mabilis na hawaan ng Delta variants sa bansa.

Ipinalaam ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na posibleng ipatupad ulit sa NCR Plus areas ang mas mahigpit na quarantine restrictions.

Matapos ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa kanyang ikahuling SONA na hinihintay na lamang nito na ipatupad ng Inter-agency Task Force ang lockdown sa buong NCR Plus dahil sa banta ng Delta variants.

Kasunod nito, ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos na magpupulong palang bukas ang mga alkalde sa Metro Manila hinggil sa pagpapatupad ng lockdown sa NCR Plus areas.

Ang nasabing granular lockdown ay maaring pwedeng isang bahay lang o isang floor ng condominium o isang barangay at magdedepende ito sa clustering.

Sinabi pa ni Abalos, isa sa mga kinakailangang gawin ng mga alkalde ay ang pagpapakain sa umaga, tanghali at gabi sa mga residente na ang lugar ay isinailalim sa granular lockdown.

Kaugnay rito, nakikiusap naman si MMDA chair sa mga nakakaramdam ng sintomas ng coronavirus disease na boluntaryong pumunta sa mga hospital at huwag ng mag-antay pa ng mga contact tracers.

Ito ang kanyang naging hinaing matapos ang patuloy na pagtaas ng COVID cases, aniya matindi ang katangian na dala ng Delta Variants dahil mabilis ang transmission na aabot sa walo ang hinahawaan kung ikukumpara sa naunang virus na aabot sa dalawa lamang.

Batay sa pag-aaral ng mga eksperto na ang incubation ng ibat-ibang variants ay napakabilis, hindi kamukha noong naunang virus na ilang araw pa bago  mahawaan ang isang indibidwal.

Isa sa mga nakikitang solusyon ni Abalos na magpapabilis sa pag-identify sa mga positive cases ay ang pagpapalawak sa mga contact tracers sa iba’t ibang lokalidad.

Aabot naman sa 5,775 contact tracers ang ibinigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangunguna ni Secretary Silvestre Bello III maliban pa ito sa mga contact tracers ng bawat lungsod sa Metro Manila.

Binigyang-diin ni Abalos na ang kanilang desisyon ay binabase sa  rekomendasyon ng mga health experts at economic team at ito ay binabalanse.

BASAHIN: Mga pasilidad ng PNP, nakahanda na laban sa Delta variant

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *