Kim Kardashian, kinasuhan ng 7 maintenance staff

Kim Kardashian, kinasuhan ng 7 maintenance staff

DAHIL sa paglabag sa California labor laws, sinampahan ng kaso ang social media star at beauty mogul na si Kim Kardashian-West nang pito sa mga dati nyang hardinero at maintenance staff sa Los Angeles County Superior Court nito lamang Lunes.

Ayon sa report, ilan sa mga labor violations na inireklamo laban kay Kardashian-West ay; hindi pagbabayad ng regular na sahod, hindi pagbabayad ng overtime pay, walang meal at rest breaks, pagpapa trabaho ng lampas sa nakatakdang oras, pag papatrabaho sa menor de edad, hindi pagdeklara ng tamang buwis ng manggagawa sa mga tax authorities, hindi pagbibigay ng termination pay at iba pa.

Isa sa mga nag habla ay nagsabi pang sinesante sya ni Kardashian-West nang dahil lamang sa pagtatanong kung ano ang kanyang karapatan bilang empleyado.

“She does not have a history of not paying her bills on time—never has and never will. She takes a lot of pride in paying people on time for their work so this issue has nothing to do with her and these workers are suing the wrong person,” depensa ng isang malapit kay Kardashian-West.

“These workers were hired and paid through a third-party vendor hired by Kim to provide ongoing services. Kim is not party to the agreement made between the vendor and their workers, therefore she is not responsible for how the vendor manages their business and the agreements they have made directly with their staff. These workers and the vendor who hired them can be amicably resolved soon,” Pahayag naman ng isa sa mga spokesperson ng mga Kardashian.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *