patuloy
International

Kim Jong UN patuloy sa airdrill, U.S. At South Korea, nagkansela ng kaparehong aktibidad

MULING nagsagawa ng air force drill ng tatlong sunod-sunod na araw, sa kabila ng pagkansela ng Estados Unidos at South Korea ng kanilang airforce activity.

Nagkansela ng Combined Flying Training Event ang South Korea at Estados Unidos, bilang paghahanda sa pagpapatibay ng kanilang ugnayan sa North korea.

Itinanggi naman ng Washington na ang hakbangin ay bilang pag-iwas sa usapin ng denuclearization ng mga nabanggit na bansa.

Ayon kay Kim, mahalaga ang pagsasagawa ng drill na hindi ipinapaalam upang masiguro ang kahandaan ng bansa sakali man na totoong pag-atake na ang kaharapin nito.

Sa ulat na inilabas ng North Korea, namataang nanood ng combat flight contest si Kim noong sabado.

 

SMNI NEWS 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *