Kiefer Ravena, kinilala bilang monthly MVP ng Shiga Lakestars

Kiefer Ravena, kinilala bilang monthly MVP ng Shiga Lakestars

NAGPAABOT ng pasasalamat ang Pinoy basketball player na si Kiefer Ravena matapos itong kilalanin bilang monthly MVP ng Shiga Lakestars.

Sa nagpapatuloy na B.League, nakapag-averaged 11.2 points, 4.8 assists and 1.9 steals para sa buwan ng Oktubre si Ravena.

Nagpaabot rin ng pasasalamat ang koponan ng Shiga kay Kiefer sa malaking ambag nito sa koponan upang makuha ang 6 wins at 3 loss standing sa buwan ng Oktubre.

Sa ngayon, hawak ng Lakestars ang ika-pitong pwesto sa Western conference na may anim panalo at anim na talo.

Sunod namang makakaharap ng Shiga sa Sabado, Nobyembre 13 ang koponan ng Shinshu Brave Warriors na may pitong panalo at limang talo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *