Kevin Durant
Sports

Kevin Durant, hindi makapaglaro sa Game 1 ng Western Conference Final

PATULOY ang pagrekober ng Golden State Warriors forward Kevin Durant mula sa kanyang strained right calf.

Dahil dito, inaasahang hindi makapaglaro si Durant sa Game 1 at malamang sa Game 2 ng Western Conference Final para sa Warriors kontra Port Trail Blazers.

Matatandaang na-injure ang right calf ni Durant sa Game 5 ng Western Conference Semifinal laban sa Houston Rockets dahilan upang ma-miss nito ang paglaro sa Game 6.

Nakatakda namang magharap para sa Game 1 ng Western Conference Finals ang Warriors at Blazers ngayong umaga, Mayo 15 oras sa Pilipinas.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *