Kenyan national
Regional

Kenyan national na umano’y miyembro ng Al Qaeda, arestado

ARESTADO ng pinagsanib na pwersa ng PNP-CIDG at AFP ang isang hinihinalang foreign terrorist na Kenyan national sa Iba, Zambales kahapon.

Inaresto ang dayuhan na si Cholo Abdi Abdullah na umano’y kasapi ng Al Qaeda terror group sa bisa na rin ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court ng Mariveles, Bataan.

Narekober sa paghalughog sa bahay ng suspek ang isang 9mm pistol, improvise explosive device at granada.

Nakatakdang sampahan si Abdullah ng paglabag sa Republic Act 9516 at R.A 10591 o Comprehensive Law On Firearms and Ammunitions.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *