hindi na naman makakapaglaro
Sports

Kawhi Leonard, hindi na naman makakapaglaro sa ikatlong sunod na pagkakataon dahil sa injury

HINDI muli makakalaro ang star player na si Kawhi Leonard para sa kaniyang koponan Los Angeles Clippers sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Dahil dito hindi makakasama si Leonard para harapin ang Oklahoma City Thunders.

Ito ay dahil pa din sa iniinda nitong left knee injury.

Natamo ito ni kawhi sa naging laban ng Clippers kontra sa Houston Rockets noong nakaraang miyerkules.

Matatandaang wala si Kawhi nang kalabanin ng Clippers ang Pelicans noong nakaraang huwebes at nitong sabado kontra sa Hawks.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *