koordinasyon
National

Kawalan ng tamang koordinasyon, dahilan ng misencounter ng PNP at AFP 

Kawalan ng tamang koordinasyon.

Ito ang nasisilip ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano, na dahilan ng masaklap na misencounter sa pagitan ng PNP at AFP na ikinasawi ng 6 na mga pulis sa Samar.

Bilang dating sundalo, batid ng opisyal na batay standard operating procedures, bawal gumalaw sa isang battle field ng walang koordinasyon sa mga friendly troops.

Paliwanag pa ng dating marine captain, dapat manguna sa koordinasyon kung sino ang bagong player sa battle field para maiwasan ang banggaan.

Pinagpapaliwanag ni Muntinlupa Reresentative Rufy Biazon ang pamunuan ng AFP at PNP sa naganap na insidente.

Ani Biazon, Vice Chairman ng Committee on National Defense and Security, huwag pagtakpan ang mga sacred cows at ilahad kung sinu-sino ang nagkulang sa masaklap na insidente.

“I call on these investigators to leave no stone unturned and let no sacred cows get away with accountability whatever rank they may be.” – Rep. Rufy Biazon

 Hihintayin ng lehislatura ang resulta ng imbestigasyon ng pulis bago sila magdesisyon kung nararapat bang magkaroon ng imbestigasyon in-aid of legislation.

MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *