E-cigarettes
National

Kautusan sa pagbenta at paggamit ng E-cigarettes, ilalabas

MAGLALABAS ang Department of Health (DOH) ng Administrative Order sa pag-regulate ng pagbenta at paggamit ng Electronic Nicotine Delivery System (ENDS) kabilang na ang E-cigarettes sa Hunyo.

Ito ang naging pahayag ni Health Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo sa sidelines ng press conference sa panawagan sa Senado na taasan ang tobacco tax.

Ayon kay Domingo, aprubado na ang kautusan ng DOH Executive Committee at isasapinal na lamang ito bago lagdaan ni Health Secretary Francisco Duque.

Aniya, ang Food and Drug Administration na kanyang pamumunuan ngayon matapos sibakin si dating Director General Nela Charade Puno ang aatasan na pangunahan ang paggamit ng ENDS.

Ang Administrative Order ay regulasyon sa aktwal na produkto at distribusyon nito kung saan bawal itong ibenta sa bata, bawal i-advertise, hindi maari ang flavors na attractive sa mga bata at kailangan nakalagay ang contents nito.

Sinabi ni Domingo na sa kasulukuyan ay kung saan-saan na lamang ang mga vaping shop at hindi rehistrado.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ni Domingo kung gaano karaming Filipino ang gumagamit ng E-cigarettes pero ayon dito ay nasa 20 milyong Filipinos ang naninigarilyo at nais nilang itong ibaba sa pamamagitan ng pagmahal ng sigarilyo.

Isinusulong ng DOH at  Department of Finance ang pagtaas ng sin taxes sa tobacco at alcohol para mapondohan ang kulang na P426 billion para sa full at proper implementation ng Universal Health Care Program sa susunod na limang taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *