Katutubong Dumagat
Regional

Kauna-unahang kasalang bayan ng mga Katutubong Dumagat sa SJDM, Bulacan, isinagawa

MISMONG si San Jose del Monte Bulacan Mayor Arthur Art Robes ang nanguna sa pagbabasbas sa 26 na pares na mga Katutubong Dumagat na matagal ding naghintay na silay maging ganap na ma- asawa sa ngalan ng batas at sa mata ng Diyos.

Ito ang kauna-unahang pagkakasal ng lungsod ng mga katutubong mamamayan sa bulunbuduking bahagi ng San Jose del Monte.

Sa mensahe ni Mayor Art Robes, ikinatuwa nito ang seremonya bilang kauna-unahan ito sa kanilang kasaysayan.

Ito rin ang kauna-unahang selebrasyon na ginagawa sa kauna-unahang love lock marker ng bansa na pinasinayaan isang araw bago ang nasabing kasalan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa mag-asawang Congresswoman Florida Rida Robes at Mayor Art Robes sa suportang ipinapakita nito sa mga Katutubong Dumagat.

Ayon sa ama ng lungsod, tuloy-tuloy ang programa ng kanilang lugar na maging pantay ang lahat ng oportunidad sa kanilang nasasakupan.

Hiling lang nito na gawin din ng mga nasasakupan nito na maipagmalaki kung anong kultura, kaugalian at kayamanan meron ang lungsod para sa mas progresibo pang pagsulong ng mga taga San Jose del Monte.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *