Kasong slight physical injury ni Tony Labrusca na ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ikinatuwa ng aktor

Kasong slight physical injury ni Tony Labrusca na ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ikinatuwa ng aktor

IKINATUWA ng aktor na si Tony Labrusca ang pagkabasura ng Makati Prosecutors Office sa kasong slight physical injury laban sa kanya.

Nag-ugat ang reklamo sa nangyaring alitan ng aktor at ang nagrereklamong si Dennis Ibay Jr. sa isang party sa bahay nila noong Enero.

Ayon kay Makati Senior Assistant City Prosecutor Edmund Sena na teknikalidad ang dahilan sa pagkabasura ng kaso na nangyaring noong Enero 16,2021 kung saan naisampa lang noong Hunyo 4.

Dahil sa pagkabasura, naniniwala ang abogado ng aktor na si Atty. Joji Alonso na inosente ang aktor.

Samantala hindi pa naresolba ng Makati Prosecutor’s Office ang isa pang kaso na kinakaharap ni Labrusca na alleged sexual molestation sa isang babae sa parehong party.

 

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *