tigdas sa Estados Unidos
International

Kaso ng tigdas sa Estados Unidos, umabot na sa higit 1000

PATULOY ang pagtaas ng kaso ng tigdas sa Estados Unidos.

Batay sa Record Centers for Disease Control and Prevention report umabot na sa 1,001 ang kaso ng tigdas mula Enero hanggang Hunyo 5 ngayong taon.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng kaso ng tigdas na naitala buhat noong 1992 kung saan aabot sa 2,237 ang naitalang measles cases.

Sa ngayon, patuloy na tinutugunan ng Health department ng estados ang naturang measles outbreak.

Kaugnay nito, nagpalabas naman ang Mexico ng travel alert sa Estados Unidos matapos nakapagtala ng kaso ng tigdas ang isang Mexican na galing New York.

Habang nagpalabas naman ng measles alert ang Northern Virginia sa posibleng outbreak.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *