Kaso ng tigdas
Health

Kaso ng tigdas sa buong bansa, pumalo na sa mahigit 39,000

PUMALO na sa mahigit 39,000 ang naitalang kumpirmadong kaso ng tigdas sa buong bansa.

Base sa inilabas na datos ng Department of Health Epidemiology Bureau kahapon, araw ng Lunes, umabot na sa 39,184 ang measles cases sa bansa.

Tinatayang 533 sa mga ito ang nasawi na limang beses na mas mataas kumpara sa bilang ng mga namatay dahil sa tigdas noong nakaraang taon.

Ang pinakamaraming kaso ay naitala sa Calabarzon na may 7,213 at National Capital Region (NCR) na may 6, 969, naitala rin ang pinakamaraming nasawi sa dalawang rehiyon kung saan idineklara na ang measles outbreak.

Pangatlo naman sa listahan ng maraming kaso ng tigdas ang Central Luzon na may 6, 350.

Samantala, sa inilabas naman na Measles Rubella Update ng World Health Organization (WHO) para sa buwan ng Agosto, pumangatlo ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang mayroong major outbreaks ng tigdas sa buong mundo.

Batay ito sa bilang ng mga kaso ng naturang sakit mula July 2018 hanggang June 2019.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *