Kaso ng iba’t ibang COVID-19 variants sa bansa, nadagdagan pa

Kaso ng iba’t ibang COVID-19 variants sa bansa, nadagdagan pa

NADAGDAGAN pa ang mga kaso ng iba’t ibang COVID-19 variants sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 1,267 ang kabuuang kaso ng Alpha o B1.1.7 variants na unang na-detect sa United Kingdom matapos makapagtala ng 14 na karagdagang kaso.

Sa 14 new Alpha variants, 12 dito ay local cases habang ang dalawa ay beniperipika pa kung local o returning overseas Filipino cases.

Base sa case line list, dalawa kaso ang nasawi at 12 ang nakarekober na.

Samantala, umabot na sa 1,267 ang kaso ng Beta o B.1.351 variant sa bansa na unang na-detect sa South Africa matapos makapagtala ng 21 new cases kung saan 20 dito ay local cases at ang isa ay inalam pa kung local o ROF cases.

Base rin sa case line list, 20 dito ay nakarekober na habang ang isa ay kasalukuyang aktibo.

Habang ang isang naitalang bagong kaso ng Theta variant na unang na-detect sa Pilipinas ay nakarekober na ngunit inaalam pa kung local o ROF cases.

Delta coronavirus variant cases sa bansa, pumalo na sa 17

Samantala, pumalo na sa 17 ang kabuuang bilang ng Delta o B.1.167.2 coronavirus variant na unang na-detect sa India.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng apat na karagdagang kaso ng variant.

Ayon sa DOH, tatlo sa apat na karagdagang kaso ng Delta variant ay returning overseas Filipinos mula MV Eastern Hope.

Dalawa anila dito ay nakumpleto na ang 10-day isolation matapos dumating sa bansa at na-discharged matapos gumaling habang ang isa ay nanatili pa ring naka-admit sa isang ospital sa Metro Manila.

Habang ang ikaapat na kaso ay isang ROF na dumating mula Saudi Arabia noong Mayo 24, 2021 at kasalukuyang naka-home quarantine.

Metro Manila Council, naghahanda na sa COVID-19 Delta variant

Humihiling na ngayon ng 5,000 karagdagang mga contact tracer ang Metro Manila Council bilang paghahanda kung saka-sakaling makapasok ng National Capital Region (NCR) ang mas nakahahawang Delta variant.

Prayoridad ngayon ng MMC ang mas agresibong contact tracing at testing upang hindi na kumalat pa ang virus.

Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA) Chairman Benhur Abalos, nakaantabay ang ahensya para sa mga pangyayari sa NCR.

Bukod pa rito, hiniling din ng MMC sa national government na panatilihin ang istriktong border control upang maiwasan ang pagpasok ng Delta variant.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *