sa Cotabato
Regional

Kaso ng dengue sa Cotabato, patuloy na tumataas

NANAWAGAN ang Integrated Provincial Health Office sa Cotabato na pagtuunan ng pansin ang paglilinis sa paligid, paghahanap at pagsira sa mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue, self-protection, early consultation at pag-iwas sa indiscriminate fogging.

Ito ay dahil umabot na sa 3,350 ang kaso ng dengue sa nasabing lalawigan mula Enero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon.

Mas mataas ito ng 208% kumpara sa 1,089 cases ng kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Tumaas din ang bilang mga nasawi dahil sa dengue at mga komplikasyong dala nito na umabot sa 14 ngayong taon kumpara sa 5 na naitala noong nakaraang taon.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *