Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa halos 130,000

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa halos 130,000

TUMAAS pa sa 129,913 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ng 3,109 na panibagong kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health, Agosto 9, mula sa kabuuang bilang, 59,970 ang aktibong kaso.

Nakapagtala rin ng 654 panibangong nakarekober dahilan para umakyat sa 67,673 ang kabuuang bilang ng gumaling.

Habang 2,270 na ang nasawi matapos madagdagan ng 61 sa buong magdamag.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *