Kaso ng COVID-19 sa Makati City, umabot na sa 17

Kaso ng COVID-19 sa Makati City, umabot na sa 17

UMABOT na sa 17 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Makati City.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, halos lahat ng pasyente ay nasa ospital at nasa stable na kondisyon.

Nasa 77 naman aniya ang person under investigation (PUI) lungsod habang nasa 74 ang person under monitoring (PUM).

Samantala, tiniyak ni Binay na may sapat na pagkain sa lungsod sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

Sa ngayon aniya ay napakatahimik sa lungsod.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *