Kaso ng COVID-19 sa Argentina, lumampas na sa 300, 000; bilang ng nasawi nasa mahigit 6, 000

Kaso ng COVID-19 sa Argentina, lumampas na sa 300, 000; bilang ng nasawi nasa mahigit 6, 000

KINUMPIRMA ng Argentina na nakapagtala ito ng 6, 840 bilang ng bagong kaso ng coronavirus 2019 (COVID-19) habang 172 naman ang naitalang bagong nasawi nitong Martes.

Ayon sa Health Ministry ng bansa, nasa kabuuang 305, 966 na ang  kaso ng COVID- 19 at  6, 048 naman ang kabuuang bilang ng nasawi.

Sinabi ni Dr. Luis Camera, miyembro ng Health Advisory Group ng bansa, kahit hindi pa umaakyat ang hospital bed occupancy rates ay nasa unsustainable level na sila.

Dagdag aniya, ang pinakamataas na bilang na naidagdag sa mga kaso ay nagmula sa huling mga araw ng Hulyo at sa unang mga araw ng Agosto.

Dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus, muling pinatutupad ng gobyerno ang restriksyon sa Buenos Aires na niluwagan sa ilang bahagi ng bansa.

Nagbunsod ito upang lumahok sa protesta ang libo-libong katao na hindi sang-ayon sa nasabing aksyon  sanhi upang mas lalong lumala ang ekonomiya ng bansa na nakararanas na ng deep recession

Ayon naman sa director ng Pan American Health Organization (PAHO), nagdulot ang COVID-19 pandemic at associated  shutdown ng hindi inaasahang mental health crisis dahil sa stress at drug and alcohol use.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *