Richard Gutierrez
Showbiz

Kasalang Richard Gutierrez at Sarah Labhati, kasado na sa March 2020

KASADO na sa susunod na taon ang inaabangang kasalanan ng power celebrity couple na Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Makalipas ang dalawang taon na pagiging mag-fiancé, inanunsyo na ng dalawa ang kaniyang nalalapit na wedding sa March 2020.

Say ni Richard, hindi naging madali ang kanilang desisyon na maghintay ng dalawang taon bago ituloy ang kanilang pag-iisang dibdib dahil sa trabaho at muling pagdadalang tao ng aktres.

Ngunit aniya, finally ay dumating na ang “perfect opportunity” para opisyal na tawaging “Mrs. Gutierrez” ang kaniyang kabiyak.

2017 pa nang mag-proposed si richard kay Sarah sa Switzerland makalipas ang pitong taon na pagiging magkasintahan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *