Karamihan ng adult population ng Klang valley, fully-vaccinated na

Karamihan ng adult population ng Klang valley, fully-vaccinated na

HALOS lahat ng nakatatandang populasyon sa buong Klang Valley sa Malaysia ang nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19, ito ay bahagi pa rin ng National COVID-19 immunization program ng pamahalaan.

Inihayag ng COVID-19 Vaccine Supply Access Guarantee Special Committee (JKJAV) na halos lahat ng nakatatandang populasyon sa buong Klang Valley ay nakatanggap na ng kumpletong doses ng bakuna.

Base sa datos ng National COVID-19 Immunization Program ng pamahalaan, nasa 97.1% ng nakatatandang populasyon ang nakakumpleto na ng kanilang doses ng bakuna.

Dahil sa operation surge capacity ay nagkaroon ng mabilis na pagbabakuna sa Klang Valley na naglalayong mabakunahan ng kahit isang doses ang mga nakatatandang residente simula noong Agosto.

Sa ngayon ang Sabah pa rin ang may pinakamababang bilang ng nabakunahan sa bansa, sinundan ng Kelantan at Kedah.

Matatandaan naman na nagtungo si Health Minister Khairy Jamaluddin sa estado ng Sabah upang mapagtuunan ang vaccination program sa lugar.

Kahapon, isiniwalat ng Health Ministry na 34.1% ng 17,352 na bagong kaso ang naiulat na kinasasangkutan ng mga fully vaccinated na.

Nagtala ang mga fully vaccinated ng 28.7% o 268 na mga pasyente kahapon na may pinakamasamang kategorya ng impeksyon na nangangailangan ng pagpapaospital at masinsinang pangangalaga.

Gayunpaman, hinihimok ng JKJAV ang mga mamamayan na panatilihin ang pag-iingat at pagsusunod sa mga patakaran bagaman nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *