relief assistance
Regional

Karagdagang personnel para sa relief assistance sa Mindanao, ipinadala ng DSWD

NAGPADALA na ng karagdagang tauhan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para umasiste sa pagbibigay ng karagdagang tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Inatasan na ni Social Welfare Secretary Rolando Bautista ang mga Field Offices nila sa Region 5,6,7,8,9,10 at Caraga Region para magpadala ng karagdagang tauhan sa nagpapatuloy na relief assistance.

Bukod dito, pinadagdagan na rin ng DSWD ang relief supplies para sa mga biktima ng lindol.

Sa pinakahuling tala ng ahensya, nasa P14.9 M na halaga ng tulong na ang naipamahagi sa 46,250 na pamilya o katumbas ng 231,250 na indibidwal sa  251 mga barangay sa Regions 11 & 12.

Sa huli, nagpasalamat naman ang tanggapan sa lahat ng mga Non- Government Organizations (NGOs) na nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol kasabay ng pagtitiyak na patuloy ang monitoring ng pamahalaan sa sitwasyon sa Mindanao.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *