Karagdagang bus para sa mga frontliners, idineploy ng DOTr

Karagdagang bus para sa mga frontliners, idineploy ng DOTr

NAG-deploy ng mas maraming mga bus ang Department of Transportation (DOTr) para ihatid at sunduin sa mga hospital ang mga health worker at frontliners na lumalaban kontra COVID-19.

Ayon sa DOTr, mayroon na ngayong mahigit 70 buses na bumabiyahe ng libre sa Metro Manila.

Mula rin sa inisyal na tatlong ruta kahapon, ginawa na itong siyam na ruta ngayong araw.

Maaari naman makita ang mga ruta sa Facebook account ng nasabing departamento.

Sinabi ng DOTr na bibiyahe ang mga bus ng alas 5 ng umaga, ala 1 ng hapon, alas 5 ng hapon at alas 9 ng umaga.

Patuloy rin ipinatutupad ng Transportation sa mga bus service sa containment protocols ng DOH tulad ng social distancing, body temperature check at regular na pag-disinfect ng mga sasakyan.

PNP, nagpapasalamat sa publiko sa kooperasyon

Nagpapasalamat ang Philippine National Police sa publiko dahil sa naging kooperasyon ukol sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa isang panayam ng sonshine radio kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nilinaw nito na humupa na ang galawan ng mga tao at ang majority ay nananatili na sa kani-kanilang pamamahay.

“Humupa na ang galawan ng mga tao, at napapansin natin na majority ng ating publiko ay talagang nanatili na sa kanilang mga bahay at sinusunod ang quarantine na pinapatupad para mapigilan ang coronavirus-19,” pahayag ni Banac.

Mga pinahihintulutang sasakyan nalang din ayon sa PNP ang bumibiyahe at nakita na ang kooperasyon ng mga publiko.

Patuloy pa rin ang screening sa mga border points ayon kay Banac sa kabila ng improvement na naobserbahan ng PNP bilang preventive measure laban sa COVID-19.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *