Isko Moreno
Metro

Kapag bumalik ulit ang illegal vendors ibig sabihin nalagyan na ako —Isko Moreno

TINIYAK ni bagong Manila City Mayor Isko Moreno na mamimintina ng lokal na pamahalaan ang malinis at maluwag na anyo ngayon ng Divisoria mula sa dugyot nitong kalagayan noong nakalipas na mga taon.

Naisagawa na ang mga clearing operations sa kahabaan ng Juan Luna at C.M. Recto para muling madaanan ng mga pasahero at motorista.

Tiniyak naman ni Moreno na hindi na makakabalik sa dating pwesto sa Divisoria ang mga nagkalat na mga illegal vendors na siyang nagpapasikip ng daan para sa mga motorista at mamimili sa lugar.

Giit pa ng bagong alkalde na kung sakaling bumalik sa dating dugyot at magulong sitwasyon ang Divisoria ay isa lamang ang ibig sabihin noon.

Ito ay tuluyan na siyang nasuhulan para itigil ang pagpapabawal sa mga illegal vendors sa nasabing lugar.

Matatandaan na sa mga panayam sa alkalde ay sinabi nitong tinangka siyang suhulan ng nagkakahalagang P5 milyon kada araw at 1.8 bilyong piso kada taon  kapalit ng pananatili ng mga illegal vendors sa buong Kamaynilaan.

MARGOT GONZALES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *