nagtatago sa ngalan ng relihiyon
Regional

KAPA , negosyong nagtatago sa ngalan ng relihiyon – Compostela mayor

NEGOSYO na nagtatago sa ngalan ng relihiyon ang KAPA community ministry.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News kay Compostela, Cebu Mayor Joel Quiño, sinabi nito na hindi maaaring ibalik ang donasyon at lalong hindi ito magkakaroon ng interest.

 “Kung donation iyan, wala talagang dapat pirmahan na mayroong ma-return na interest. So, napag-isipan ko na business talaga,” paliwanag ng mayor.

Ayon kay Quiño, isang maliit na resort ang ginawang opisina ng grupo na may kahina-hinalang transaksyon dahil sa dami ng tao araw-araw.

 “Ang ginawa nilang opisina, dating resort iyan, maliit na resort, kaya nga sa una pa lang akala ko minor activity lang. Pero sa nakita ko na sa araw-araw na meron nang maraming tao, meron nang maraming sasakyan, kaya nga pinapunta ko yung tao dito para malaman ko,” ayon ng mayor.

Napag-alaman na mismong ang alkalde na ang nagbigay ng cease at desist order sa grupo subalit patuloy pa rin ang operasyon nito hanggang nitong nakaraang Sabado kung saan ay nasunog ang kanilang tanggapan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *