Kapa
National

Kapa Ministry, iniutos ni Pangulong Duterte na isara

PINASASARA na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kapa-Community Ministry International at iba pang pyramiding investment scams na nangangako ng malaking kita sa loob ng maikling panahon.

Ginawa ng pangulong ang kautusan sa panayam ni Pastor Apolo C. Quiboloy sa Davao City.

Kinalampag ng pangulo ang Criminal Investigation and Detection Group at ang National Bureau of Investigation para pagpapasara sa Kapa-Community.

Sinabi ng pangulo na maaring kasuhan ng “syndicated estafa” ang mga nasa likod ng scam.

Muling pinaalalahanan ng pangulo ang mga mamamayan na huwag maniniwala kapag pinangakuan ng hindi makatotohanan mula sa mga pyramiding scam.

“That is why NBI, sirahan mo na mga *** sirahan mo na sila at dalhin mo doon sa —  pon my orders, upon my orders, otherwise, I said do not… Hindi ako magma-martial law, hindi ako mag-ganun,” pahayag ng pangulo na tinutukoy ang nasabing pyramiding investment scam.

“When it is good to be true, it is fraud. Biro mo ‘yung 100,000 mo would earn 30,000 a month? Ni bangko na ‘yung Banko Sentral natin magbigay, tres lang porsyento. Ilan ang porsyento ngayon na? Annually ha. Eh ito, kayong mga Pilipino, ilang beses ko na kayo sinasabihan? ‘Pag ang — what is being promised to you is something like heaven, walang tao dito, walang bangko, maski ‘yung Bank of America can afford to pay you 30,000 every month for your 100,000. Kinolekta lang rin nila ‘yan ‘yung pasok. Ang problema just like the legacy, anything, ‘pag at the end of the day, ‘yung walang makuha, you are in to syndicated estafa, “ pagliwanag ng pangulo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *