founder
National

Kabus Padatuon founder, nahaharap sa non-bailable offense

TINIYAK ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi pa nakakalabas ng bansa ang founder ng Kabus Padatuon o KAPA Community Ministry International Incorporated na si Pastor Joel Apolinario.

Ito ay matapos mabigo ang mga otoridad na maabutan si Apolinario sa pagsisilbi ng search warrant sa bahay nito sa General Santos City.

Kasabay nito, nagsagawa din ang NBI at Securities and Exchange Commission o SEC sa iba’t-ibang tanggapan ng KAPA sa bansa.

Ayon kay NBI Deputy Director for Regional Operation Service Antonio Pagatpat, nakaipon na sila ng mga ebidensya para magsampa ng kaso laban kay Apolinario, mga opisyal at incorporators ng KAPA.

Kabilang dito ang mga kasong paglabag sa Section 8 at 26 ng Securities Corporation Code of the Philippines, syndicated estafa at large scale estafa na pawang mga walang piyansa.

Tiniyak pa ng NBI na kung walang miyembro ang magsasampa ng kaso, ang gobyerno na o mga otoridad ang makakalaban ng KAPA.

Tinawag naman ni Pagatpat ang KAPA na biggest ponzi scheme sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa bilyong kinikita nito o naloloko sa mga miyembro.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *