Kandidato na maghahain ng COC, isa lang ang pwedeng kasama—COMELEC

Kandidato na maghahain ng COC, isa lang ang pwedeng kasama—COMELEC

INIHAYAG ni Commission on Elections (COMELEC)  Spokesperson James Jimenez na isa lamang ang papayagan na sumama sa isang kandidato na maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre.

Ayon din kay Jimenez, istrikto ngayon sa paghahain ng COC na mag-uumpisa sa ika-una hanggang ika-8 ng Oktubre.

Ang mga maghahain lamang aniya ng COC ang papayagan sa mismong venue.

Samantala, sa labas ng pasilidad ng COMELEC, inaasahan naman ang PNP at MMDA na magpapanatili ng kaayusan at kapayapaan para sa mga magsasagawa ng rally.

Bukod pa rito, nagpaalala ang COMELEC sa mga kandidato na maghahabla ng COC ay dapat mag-presenta ng RT-PCR o antigen COVID-19 test , isang araw bago ang paghahain sa ika-una hanggang ika-walo ng Oktubre.

Papayagan naman ang face to face campaigning ngunit magkakaroon ng mga restrikyon.

 

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *