resulta ng recount
National

Kampo ni VP Robredo, patuloy na hinihintay ang resulta ng recount

HINIHINTAY pa rin ng kampo ni Vice President Leni Robredo na ilabas ng Supreme Court (SC) na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang resulta ng recount sa tatlong provinces sa electoral protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ito ang naging pahayag ng abogado ni Robredo na si Atty. Bernadette Sardillo kasunod na rin ng pangatlong beses na pagpapaliban ng PET sa paglabas ng desisyon sa protesta.

“Naghihintay pa rin po tayo kasi noong Lunes po ay naghain po tayo ng mosyon na hinihingi po natin ang kopya nung report ni Justice (Alfredo Benjamin) Caguioa na mabigyan sana ang parehong partido, ang kampo po ni Vice President Robredo at ang kampo ni Ginoong Marcos para din magkaroon tayo ng ideya kung ano ang naging resulta ng bilangan kasi yung na kahit mayroon kaming sariling mga revisador at base sa naging bilangan sa kopya namin ng revision report ay nadagdagan ang boto ni Vice President Robredo, mayroon sariling report din po ang Presidential Electoral Tribunal,” ayon sa pahayag ni Sardillo.

Iginiit rin ni Sardillo na hindi pa tapos ang protesta matapos ang mga lumalabas sa social media na iproklama na bilang VP si Marcos.

“Madami po kasing lumalabas sa social media na iproklama na daw si Ginoong Marcos, hindi pa po tapos ang protesta, ang hinihintay pa lang po natin ang initial determination na tinatawag natin under ng rules ng Presidential Electoral Tribunal,” aniya pa.

Nilinaw ni Sardillo na mahalaga ang hinihintay nilang desisyon mula sa Korte Suprema dahil kung hindi mapatunayan ni Marcos na nagkaroon ng dayaan ay maaari ng i-dismissed ang protesta at hindi na ituloy ang recount sa 27 na iba pang probinsya na napili ni Marcos.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *