Korte Suprema
National

Kampo ni Rep. Marcos, dudulog sa Korte Suprema

NAIS iakyat ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos sa Korte Suprema ang kanyang mga kaso.

Ito’y kaugnay ng kasong graft na hawak ng Sandiganbayan fifth division.

Hiniling ng mga ito na maisumite ang lahat ng record ng kanyang pitong bilang na kasong graft sa Korte Suprema.

Para sa further proceedings.

Ito ay sa inihaing notice of appeal ng kampo ni Marcos sa Anti-Graft Court.

Katwiran ng kampo ni Marcos, hanggang sa ngayon kasi ay wala pa ring desisyon ang mga mahistrado.

Kaugnay sa kanilang motion for leave to avail of post-conviction remedies na dininig noon pang Nobyembre 16.

Matatandaang hinatulang ‘guilty’ ng Sandiganbayan si Marcos sa kasong katiwalian dahil kontrobersyal nitong Swiss foundations.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *