National

Kampo ng Maute group nakubkob na ng militar


Nakubkob na ng militar ang kampo ng grupong Maute sa Piagapo, Lanao del Sur.
Ito ay matapos ang tatlong araw na bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlumpu’t anim na rebelde samantalang tatlo naman ang nasugatan sa hanay ng miltar.
Natagpuan sa mismong kampo ang bangkay ng tatlong miyembro ng grupo na hinihinalang Indonesians o Malaysians.
Dahil sa bakbakan, isinailalim sa state of calamity ang nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *