laban sa iligal na droga
National

Kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, muling binigyang-diin

MULING binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sa kanyang Ika-apat na State of the Nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na itutuloy ng pamahalaan ang kampanya nito hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Dagdag pa ng pangulo, ang talamak na iligal na droga sa bansa ang isa sa kanyang dahilan kung bakit nito hiniling sa Kongreso ang pagpasa ng death penalty para sa iligal na droga at pandarambong.

Sinabi rin ng pangulo na malayo na ang narating ng kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon kumpara noong umpisahan ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *