Kamara, naglunsad ng website para sa SONA 2021 updates at accomplishments ng Duterte administration

Kamara, naglunsad ng website para sa SONA 2021 updates at accomplishments ng Duterte administration

Kamara, naglunsad ng website para sa SONA 2021 updates at accomplishments ng Duterte administration

INILUNSAD ngayong Miyerkules ng House of Representative ang website na magbibigay impormasyon at updates sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hulyo 26.

Ang bagong website address ay https://www.sona2021.ph/.

Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na ilalathala rin sa bagong microsite ng official page ng Kamara ang legislative accomplishments ng administrasyon.

Magkakaroon din aniya ang website ng legislative performance report ng house at piling talumpati ng mga miyembro ng 18th Congress na pinasama sa isang libro na may titulong “In The Name of the People.”

Ayon pa kay Speaker Velasco, ipopost din sa website ang pre-SONA tribute campaign “sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo!,” videos mula sa kada mahigit 200 district at Partylist representatives.

Sinabi ng House Speaker na sa termino ni Pangulong Duterte ay naipasa ang mga batas sa universal health care, free tertiary education, expanded maternity leave, at free public internet access at iba pa.

 

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *