magpupulong
National

Kamara, magpupulong hinggil sa balasahan sa Committee Chairmanships

Magpupulong ngayong araw, July 30, ang Mababang Kapulungan ng Kongreso upang talakayin ang balasahan sa chairmanships sa komite ng ilang mga kongresista.

Kasunod ito ng pagkakahalal kay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker.

Magpupulong para sa Committee Chairmanships

Bukod dito, sinabi ni Deputy Speaker Rolando Andaya na posibleng talakayin nila ang hindi pagkakasundo sa Minority Bloc.

May ilang grupo ng mga kongresista ang sumulat kay Arroyo para sa kanilang intensyon na kilalanin bilang Minorya sa Kamara.

Kabilang rito grupo Liberal Party sa pangunguna ni Marikina Representative Miro Quimbo at ang grupo ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *