speakership race
National

Kalakaran ng bilihan ng boto sa speakership race, pinabulaanan

MARIING itinanggi ni outgoing House Minority Leader Danilo Suarez na may kalakaran ng bilihan ng boto sa Kamara sa tuwing may speakership race.

Nag-ugat ang kaniyang reaksyon sa naging hirit ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na tila bagay nagsasabi na ang speakership ay isang “money race”.

Nilinaw ni Suarez na walang bilihan ng boto at espekulasyon lamang ang pahayag ni Alvarez na nakakisira sa integridad ng kanilang institusyon.

Buwelta naman ni Suarez sa dating speaker, patunayan ang alegasyon ng vote-buying sa kanilang hanay.

Samantala, sinabi ni Suarez na llamado ngayon sa speaskership race si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Mahigit na kasi sa 153 mambabatas na ang nagpahayag ng suporta dito bilang speaker.

Kaso nga lang, hindi pa pinal ang bilang depende kung may i-eendorsong manok si Pangulong Duterte.

Ang partylist bloc naman, wala pang napipili sa mga personalidad na kalahok sa speakership race.

Sa ngayon ay wala pang ini-endorso si Pangulong Duterte bilang speaker at nauna ng tumanggi ang punong ehekutibo na makialam sa speakership race.

Mariin namang itinanggi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang akusasyon laban sa kanya ni dating House Speaker Alvarez na bumibili ng boto para masungkit ang puwesto bilang susunod na lider ng Kamara.

Sinabi ni Velasco na hindi totoo ang alegasyon ni Alvarez na may inihanda itong tig-isang milyong pisong budget para sa bawat kongresista.

Ayon kay Velasco, nirerespeto niya ang kanyang mga kasamahan sa mababang kapulungan at tiwala itong hindi magpapasiplaw ang mga ito sa salapi kapalit ng boto.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *