Kakulangan ng mga silid-paaralan
National

Kakulangan ng mga silid-paaralan, patuloy na tinutugunan

PATULOY ang pagtugon ng Department of Education (DepEd) sa kakulangan ng mga silid-paaralan at pasilidad sa ilang lugar sa bansa.

Ito ang pagtitiyak ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo sa publiko.

Ayon kay Mateo, kabilang sa kanilang na-encounter na problema sa pagpapatayo ng paaralan ay ang limitadong espasyo.

Gayunman, sinabi nito na nagpapatuloy ang konstruksyon sa mga school building sa Batasan Area sa Quezon City maging sa war torn area sa Marawi City.

Batay kay Mateo, 1:35 ang ideal na student-classroom ratio.

Una nang sinabi ng DepEd na nasa 28 milyong estudyante ang kanilang inaasahang papasok sa mga pribado at pampublikong paaralan sa pagbubukas ng klase sa June 3.

Humigit kumulang 7,000 na pulis naman ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para matiyak ang kaayusan ng class opening.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *