Kakulangan ng medical workers sa bansa, dahilan ng pagsulong ng Medical Scholarship Bill —Sotto

Kakulangan ng medical workers sa bansa, dahilan ng pagsulong ng Medical Scholarship Bill —Sotto

KAKAPUSAN sa medical force sa bansa ang nakitang dahilan ng Senado kung bakit nila isinulong ang Medical Scholarship Bill.

Sa naging panayam ng SMNI News kay Senate President Vicente Sotto III, aniya mababa ang ratio ng mga medical workers na tutugunan sana sa pangangailangang medikal ng kada barangay sa bansa.

“Matagal ko nang napag-alaman na yung ratio natin ng doctors to one barrio ratio, malayong-malayo.”

—Sen. Vicente Sotto III, Senate President of the Philippines

Isa pang punto ni Sotto kung bakit nila ipinasa ang ‘Doktor sa Bayan’ Bill ay dahil karamihan sa mga kabataang Pinoy ang nagnanais maging doktor o nurse pero walang kakayanang pinansyal.

“Mahigit 90% na gustong maging doktor ng mga bata, hindi natutuloy. Dahil pagdating ng college, hindi kaya ng magulang pag-aralin. Nagkaroon nga tayo ng free high school. Pagkatapos ng panahon namin nitong nakaraang kongreso, free tertiary education na – yung college na. Pero hindi kasama ang medicine proper at law proper. Yung mga higher studies, hindi kasali. So, sinabi ko nga, i-libre na natin ang pagkuha ng medisina.”

—Sen. Vicente Sotto III, Senate President of the Philippines

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1520 o “Doktor para sa Bayan” Medical Scholarship Bill ani Sotto ay libre na lahat ng gagastusin ng mag-aaral na magka-qualify.

Matatandaang kahapon naipasa na sa Senado ang naturang panukalang batas.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *