Kai Sotto, tanggal na sa Team Ignite sa NBA G League

Kai Sotto, tanggal na sa Team Ignite sa NBA G League

HINDI na sasali si Kai Sotto sa Team Ignite ng NBA G League bubble sa Orlando, Florida dahil sa tuluyan na itong umalis sa programa ayon mismo sa liga.

Ayon sa Ignite, hindi na muling lalahok si Kai sa liga at umalis na ito noong Enero pa lamang upang mag-training sa Philippines national team para sa FIBA Asian Cup Qualifying Tournament sa Qatar bago pa man makansela ang event.

Ayon kay NBA G League President Shareeed Abdur-Rahim, parehong naiintindihan ni Kai pati ng Ignite ang hirap ng muling paglahok nito sa team dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa huli ay sinabi ni Abdur-Rahim na palaging bahagi ng Ignite family si Kai at nais nila ang patuloy na tagumpay nito habang ipinagpapatuloy ang kanyang pangarap sa NBA.

“Kai will always be part of the extended Ignite family and we wish him continued success as he pursues his NBA dreams,” ayon kay Abdur-Rahim.

Matatandaan na naging sentro ng kontrobersya ang 18-year-old na si Sotto matapos itong muling magbalik sa Gilas Pilipinas sa kalagitnaan ng paghahanda nito sa G League.

Inamin naman ni Ignite head coach na si Brian Coach na nagulat din ito sa nangyari ngunit sinusuportahan niya si Sotto sa tungkulin nito sa national team.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *