Kai Sotto, sinimulan na ang kanyang NBA G League journey

Kai Sotto, sinimulan na ang kanyang NBA G League journey

OPISYAL nang sinimulan ni Kai Sotto ang kanyang NBA G League dreams matapos na dumating ang team nito sa California ngayong linggo.

Si Sotto kasama sina Filipino-American Jalen Freen, Isaiah Todd, Daishen Nix, Jonathan Kuminga at Principal Singh ay kasalukuyang nasa Walnut Creek para sa kanilang skill work.

Ang grupo ng mga manlalaro ay nag-eensayo sa ilalim ni Head Coach Brian Shaw, Assistant Coach Raasheed Abdul-Rahman at Athletic Trainer Pete Youngman.

Sa kanyang official Instagram account ay nagbigay ng updates sa kanyang training si Sotto kung saan makikita ang snippets ng kanilang mga training.

Nakatakdang makilahok sila Sotto sa mga exhibition games laban sa iba pang G League teams at international clubs sa kalagitnaan ng season.

Denver Nuggets, pasok na sa 2nd-round ng NBA Playoffs

Samantala sa NBA, tuluyan ng nakapasok ang Denver Nuggets sa second round ng NBA Western Conference Playoffs matapos nitong matalo ang Utah Jazz sa kanilang Game Seven sa iskor na 80-78.

Isang crucial turnover mula kay Donovan Mitchell sa Fourth Quarter ng laro ang nagpatalo sa Jazz matapos na makuha ni Gary Harris ang bola sa kanya mula sa likod.

Susunod na kahaharapin ng Denver ang Los Angeles Clippers sa second round ng playoffs.

Sa ibang laro naman, nakakuha ng comeback win ang Boston Celtics kontra Toronto Raptors na nagtapos sa iskor na 102-99.

Pinangunahan ni Kemba Walker at Marcus Smart ang pagkapanalo ng koponan na nakapagtala ng 27 at 21 points.

Sa ngayon, hawak na ng Celtics ang 2-0 standing laban sa defending champions.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *