Atlanta Hawks
Sports

Kai Sotto, nasa Atlanta Hawks facility na

LUMAPAG na ang UAAP Junior MVP Season 81 na si Kai Sotto sa Atlanta Hawks facility.

Ito ay para sa unang hakbang ng kanyang NBA journey.

Dumating sa Atlanta, Georgia ang disi-sais anyos na basketball player kasama ang kanyang ama, noong Martes ng gabi.

Nagpost sa kanyang official Instagram ang UAAP Junior MVP sa harap ng Emory Sports Medicine Complex.

Gaganapin sa nasabing pasilidad ang intensive training ni Kaisa loob ng dalawang buwan.

Ito ay upang lalong mapaghusay ang kanyang basketball skills.

Toronto Raptors, wagi laban sa Brooklyn Nets

TAGUMPAY ang Toronto Raptors laban sa Brooklyn Nets sa naging sagupaan ng dalawang koponan sa nagpapatuloy na regular season.

Nagtapos ang laro sa score na 115-105 pabor sa Raptors.

Nanguna para sa panalo ng koponan si Pascal Siakam na nagtala ng 29 points at 10 rebounds.

Habang nag-ambag naman si Kawhi Leonard ng 26 points.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *