Kai Sotto, magtatayo ng sarili basketball academy sa susunod na taon

Kai Sotto, magtatayo ng sarili basketball academy sa susunod na taon

INANUNSYO ni Kai Sotto na magtatayo ito ng sarili nitong basketball academy na pinangalanan niyang “Kaiju Academy” na ilulunsad sa Hamilton, Ohio sa dulong bahagi ng 2021.

Katuwang ang Spooky Nook Champion Mill Complex, nais ni Kai Sotto na mai-develop ang pinaka magagaling na talents sa basketball court sa 1.3 million square-foot na sports facility.

Ayon sa pahayag ni Sotto, ang ideya ng Kaiju Academy ay maturuan ang mga batang atleta kung paano maglaro na parang ‘beat’ sa loob ng court at maging mabubuting tao sa labas ng court.

Ang 7’2 NBA prospect ay kasalukuyang miyembro ng NBA G League Team Ignite at nakatakda itong sumailalim sa isang taong developmental program upang matupad nito ang kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA.

Bukod sa pagiging parte ng NBA, nakikita din ni Sotto ang Kaiju Academy bilang katuparan ng kanyang mga pangarap.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *