Kai Sotto, maglalaro sa Gilas sa FIBA OQT at FIBA Asia Cup

Kai Sotto, maglalaro sa Gilas sa FIBA OQT at FIBA Asia Cup

TINIYAK ng NBA hopeful na si Kai Sotto na maglalaro pa rin ito sa ilalim ng bandila ng Pilipinas, ang Gilas para sa nalalapit na FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) at FIBA Asia Cup.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni Kai na lumagda ito ng three-year deal sa koponan ng Adelaide 36ers ng National Basketball League (NBL) sa Australia.

Ayon kay Sotto, nais niya na maging bahagi ng national team ng Pilipinas at makasamang maglaro ang ilang mga professional players mula sa PBA.

Kung maaalala, nakasama si Kai Sotto sa paghahanda ng Gilas para sa final window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Doha, Qatar noong Pebrero bago ito kinansela dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nakatakda namang isagawa ang OQT at Asia Cup sa darating na buwan ng Hunyo at Agosto.

(BASAHIN: Kai Sotto, magtatayo ng sarili basketball academy sa susunod na taon)

Samantala, nakakuha ang pambato ng Pilipinas na si Erleen Ando ng tatlong medalya sa women’s 64-kilogram division ng 2021 Asian Weightlifting Championships sa Uzbekistan.

Nakuha ni Ando ang silver medal matapos nitong buhatin ang pinagsamang 213kg habang pinangunahan naman ng pambato ng Chinese-Taipei na si Wen-Huei Chen ang division matapos itong makapagbuhat ng pinagsamang 228kg.

Nakakuha din ang representative ng bansa ng isa pang silver medal sa clean and jerk sa 119 kilogram at muli namang nakuha ni Chen ang gold sa 128 kg.

At sa huli ay muling nakuha ni Chen ang gold sa snatch event matapos itong magbuhat ng 100 kg habang nauwi naman sa 3rd place si Ando matapos na mabuhat ng 94kg.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *