kadete
National

201 kadete ng PNPA, nagsipagtapos ngayong araw

Nagsipagtapos ngayong araw ang 201 na mga kadete ng Philippine National Police Academy o pnpa “Sansiklab” Class of 2019.

Panauhing pandangal sa 40th Commencement Exercises ng PNPA sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa Kampo Heneral Mariano Castañeda, Silang, Cavite.

Sa tatlumpati ni Pang. Duterte, nanawagan ito sa mga nagtapos na manatili sa kanilang mga prinsipyo sa pagpasok nila bilang mga bagong miyembro ng uniformed personnel.

Hiniling ng pangulo sa mga ito na dalhin sa kanila ang mga prinsipyo ng integridad at katapatan maging ang kahalagahan ng patriotism at compassion na itinuro ng akademiya habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa bansa.

Hinamon din ng chief executive ang mga nagsipagtapos na maging greatest version ng kanilang mga sarili.

Inatasan nito na suportahan at mag-ambag sa paglaban ng administrasyon sa mga iligal na droga, terorismo at korapsyon.

Si Cadet Jervis Allen Ramos na mula Tondo, Maynila ang Class Valedictorian at ginawaran ni Pangulong Duterte ng Presidential Kampilan Award at Chief PNP Kampilan Award.

Ang Sansiklab Class of 2019 ay binubuo ng 154 na lalaki at 47 na babaeng kadete.

Sa 201 na nagtapos, 138 sa mga ito ay mapupunta sa PNP, 41 ay magiging bahagi ng Bureau of Fire Protection (BFP) habang ang 22 ay magiging bahagi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *