South Korean government
Uncategorized

Kabagalan ng South Korean government sa usapin ng basura nito, inireklamo

INIREREKLAMO ng Bureau of Customs sa Mindanao ang kabagalan ng pagkilos ng South Korean government sa usapin ng mga basura.

Sa panayam ng SMNI News kay Mindanao International Container Terminal (MICT) Port collector John Simon, bagama’t may mga negosasyon na ay wala pa rin umanong nangyayari sa natitirang 5000 metric tons o humigit kumulang 250 containers ng mga basura hanggang ngayon.

Ani Simon, tila hindi nakikita ng South Korean government ang peligro na maaaring idulot ng mga basura sa kalusugan at kapaligiran.

“Ang problema nga lang sa Korea ay napakabagal. Kumbaga ang mga kausap natin ay mga diplomat ay kausap natin ay mga taong hindi nakikita ang urgency ng mga bagay bagay na hangga’t nandirito ang mga basura na iyan, mananatili siyang banta sa kapaligiran, sa kalusugan, at ito na nga, banta siyang malaki sapagkat nagkakaroon ng mga fires na naganap,” pahayag ni Simon.

Dagdag pa ni Simon, nitong nakaraang selebrasyon ng Eid’l Adha ay may sumiklab na sunog sa ilalim ng mga basura na sinasabing “heterogenous household waste”.

Napag-alaman na ipinalusot noong Hulyo 2018 sa isang private port sa liblib na sitio sa Tagoloan, Misamis Oriental ang mga basura.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *