boyband group na EXO
Showbiz

K-pop boyband group na EXO, balik-Pilipinas sa Agosto

BALIK-Pilipinas ang Korean boyband group na EXO para sa isang concert.

Nagkagulo ang mga K-pop fans nang inanunsyo ng concert promoter na Pulp Live World na kabilang ang Manila sa  “EXO Planet #5 Exploration” tour.

Gaganapin ito sa August 24 sa Mall of Asia Arena habang ang tickets sales ay magsisimula sa August 4.

Huling nagtanghal ang EXO sa bansa noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ang EXO na binubuo nina Xiumin, Suho, Lay, Baekhyun, Chen, Chanyeol, D.O, Kai at Sehun ay ang nasa likod ng K-pop hots na Love Shot, Monster at Power.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *